Header Ads

Mga tauhan ni Mayor-humalay sa bank employee na si Mabel Cama



Mga bata ni mayor rapist ni Mabel

Pinaniniwalaang mga empleyado na nagtatrabaho sa impounding area ng Mega Bus Line sa Pasig City na pag-aari di umano ni Mayor Lourdes Villamonte Briguera ay mga suspek sa pagpatay kay Mabel Cama, ang 22-anyos na bank employee na natagpuang ginahasa at sinunog pa ang katawan.

Inabandona ang bangkay ni Cama sa isang abandonadong gusali sa loob ng impounding area ng Mega Bus Line na na­ngungupahan sa compound ng Metropolitan Manila Development Authority na matatagpuan sa Ortigas Ave. Extension, Brgy. Rosario, Pasig City.

Nabatid na karamihan sa mga nakatira sa impounding area ay mga pamilya ng mekaniko, guwardiya, drayber, basurero at mga tambay ng towing services at bus lines.

Ayon sa Pasig City Police, dalawang ‘persons of interest’ pa lamang ang kanilang iniimbestigahan na kinilalang sina Randy Oavenada, guwardiya ng impounding area, at Diolan Acebuche, 22-anyos, mekaniko.

Pero may tatlo pa umanong suspek na posibleng sangkot sa sinapit ni Mabel.

Sa salaysay di umano ni Oavenada, nakita nito si Acebuche na nakatayo sa labas ng abandonadong gusali at napansin niya na may umuusok sa loob nito.

Subalit hindi na umano pinansin ni Oavenada ang usok dahil sa takot na magtanong kay Acebuche hanggang sa natagpuan na kinabukasan sa lugar ang bangkay ni Mabel.

Hindi kumbinsido ang pulisya sa ‘istorya’ ni Oavenada kaya isinama siya bilang ‘persons of interest’ sa karumal-dumal na krimen.

Samantala, napag-alaman na maging si Mayor Briguera ay magbibigay ng pabuyang P50,000 sa makapagtuturo kung sino ang may kagagawan ng krimen matapos malaman ang sinapit ni Mabel na anak ng isa niyang tauhan.

Ang 53-anyos na si Reynaldo Cama, auto electrician ng Mega Bus Line, ang ama ni Mabel na dumulog sa Pasig City Police para i-report na nawawala ang kanyang anak mula pa noong Biyernes matapos umalis sa kanilang bahay na nasa likuran lang ng impounding­ area.

Dahil malapit sa impounding area nakatira sina Mabel, pinaniniwalaan na lagi itong nakikita ng mga suspek kapag dumadaan sa lugar at binabantayan ang oras ng kanyang pag-uwi.

Sinasabi ng ilang kalugar ni Mabel na huli nilang nakita ito na kumakatok sa kanilang bahay pasado alas-11:00 ng gabi noong Biyernes pero walang nagbubukas sa kanya hanggang sa dalawang lalaki ang lumapit sa biktima.

Source: AbanteTonite

No comments

Powered by Blogger.